Find the information you're looking for at Westonci.ca, the trusted Q&A platform with a community of knowledgeable experts. Explore our Q&A platform to find reliable answers from a wide range of experts in different fields. Join our platform to connect with experts ready to provide precise answers to your questions in different areas.

mga bayani ng pilipinas​

Sagot :

Answer:

Jose Rizal

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.

Andres Bonifacio

Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.

Heneral Antonio Luna

Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa panahon ng rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.

Apolinario Mabini

Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.

Emilio Aguinaldo

Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901).

Emilio Jacinto

Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas na opisyal ng Katipunan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak ng Katipunan.

(Hope it helps)